Saturday, January 30, 2016

The Amen Karma



What is Amen? Does this coordinates with Karma?


Ano ba ang kahulugan ng Amen? 
Alam mo ang punot dulo kung bakit tayo nagsasabi ng salitang Amen o nakiki ride-on ka lang dahil takot kang mangyari sayo yung mga pinopost sa FB?


Kung mag GoGoogle ka ito yung lalabas na resulta tungkol sa Amen.



Ang Amen o Siya Nawa (sa tagalog) ay isang pagsang-ayon tungkol sa isang kautusan, na kung hindi mo ito magaganap, mayroong kaparusahan na naghihintay sa iyo o sa iyong mga kamag-anak. 
source: Bible Book of Deuteronomy 27:26 
Basahin po ninyo kung may Bible kayo.

Madalas po tayong nakakakita ng naglalabasang post dito sa Facebook tungkol sa mga litrato na nakakagimbal at may titulo na "Ang hindi mag-AMEN, mangyayari ito sa kanya".

Ok, tayong mga Pilipino talagang supertisyoso at madaling naniniwala sa mga ganyang bagay, Kaya ang tanong - may epekto ba talaga ang ganitong propaganda?
Well, base on Biblical history - totoong dapat sang-ayunan ang isang bagay na sinumpa at mula pa ito sa panahon ni Moises kung saan ang hindi umayon sa salita ng Dios ay susumpain. 

"Sumpain yaong hindi umayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa (AMEN)."

Mas naniniwala ako sa nasa itaas na pangungusap kaysa sa pamahiin. Hindi dahil sa salita lamang kundi dahil ito ay utos ng may Lalang sa atin.


Ngayon, tungkol naman po sa mga nagkalat sa Facebook na imahe tulad ng nasa blog na ito, ang masasabi ko po ay ganito, kung naniniwala ka sa mga ito eh malaki po ang pagkakataon na ito ay maganap sa buhay mo dahil kung ano yung pinaniniwalaan natin, ibinibigay po ng Dios yun sa atin - maging mabuti o masama. Pero kung hindi ka naman maniniwala (unless salita ito ng Dios) eh wala naman pong mangyayari sa atin at kung may nangyari man sa iyo kahit di ka naniwala, ibig sabihin lang po nito talagang nakatakda na po yun maganap sa atin.

Bago ko po tapusin ang maikling pahayag na ito, gusto ko mag iwan ng test sa mga nakabasa. Pakinggan niyo po itong maigi at kayo na ang humusga kung gagawin ninyo ang test na sasabihin ko.

Ito po yun, nabasa ninyo ang tungkol sa blog na ito at nagkaroon kayo ng dalawang choices. 
  1. Una, kailangan mo ito ishare at ilike para maiwasan mo ang KARMA at yung - 
  2. Pangalawa naman po ay subukan mong BALEWALAIN ito (o ipagsawalang bahala ang nabasa mo).


After mo itong magawa, wait for atleast seven days o one week para malaman mo ang result. Balik ka po dito at magcomment para sa ikadadagdag ng experiment natin.

Kayo na ang bahala pumili base sa nabasa ninyo at naramdaman ninyo, if ever naramdaman ninyo ang takot dahil sa karma, sign yun na dapat ninyong gawin ang choice number one. Pero kung wala naman kayong nararamdaman na anuman, it means na safe po ito na ipagwalang bahala.

Good luck po at sana dun sa mga magla-like, magcomment naman po kayo para malaman ko ang resulta ninyo.

Related Posts

The Amen Karma
4/ 5
Oleh

Subscribe via email

If you want to receive the latest update of this blog, put your e-mail below.

We love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.