Wednesday, March 16, 2016

Papayag Ba Kayo - Magdeklara Ng Martial Law Ang Susunod Na Presidente?



Ilegal na droga, rape, gang war, kidnapping, nakawan kahit sa katanghaliang tapat at sa maraming tao, corruption at mga menor de edad na talamak gumawa ng krimen. Ilan lamang ito sa napa karaming kasamaan na ginagawa ng mga kriminal. Kaya ang tanong, paano ito susugpuin ng kasalukuyan o ng darating na gobyerno?

Habang nababalitaan ko ang mga ganitong talamak na pangyayari sa bansa, naririnig ko ang ibang may mga gulang sa amin na nagkukuwentuhan at sinasabing ibang iba ang panahon ngayon kaysa noong panahon ng Martial Law ni pangulong Marcos. Martial Law? Ano yun? Tanong ko nung bata pa ako. Kaya niresearch ko yung Martial law meaning at kung paano ito ipinataw ng dating pangulong Marcos sa Pilipinas.


September 21, 1972 nang ideklara ito nationwide o tinatawag ding Proclamation № 1081. Ano ba ang rason bakit nagdeklara ng martial ang dating pangulong Marcos? Mayroong dalawang paksyon ang kasagutan sa katanungan ito.

-- Una, yung anti-Marcos na nagsasabi na kaya niya ito ginawa upang huwag matanggal sa pwesto at manating presidente. Well, obviously... kung ayaw mo nga sa panunungkulan ng pangulong Marcos, this will be very reasonable answer.

-- Pangalawa, yung pro-Marcos na nagsasabing ginawa ito ng pangulo dahil sa lumalalang crisis ng bansa, tulad ng paglakas ng mga komunista o mga rebelde at paglaganap ng matinding krimen.

Tayo na mga hindi na gaanong nakalasap at nakaranas ng martial law, basta na lamang ba tayong maniniwala sa dalawang paksyon na ito? We have our own mind para magimbestiga at huwag magpadala sa kasagutan dahil sa mga nagsasabing sila ang nakasaksi at mas nakaka-alam.

Before anything else, nakuha ko tong video na ito sa Facebook at para malaman kung totoo ngang may mga rebelde bago pa man ideklara ang martial law, panoorin po muna ninyo ang video.

Ferdinand Marcos: Real Reason Of declaring MARTIAL LAW
Ferdinand Marcos: Real Reason Of declaring MARTIAL LAW GMA7 Documentary.
Posted by The Controversial Files on Saturday, July 11, 2015




Base sa dokumentaryo, talagang inaamin nila na may nagaganap na rebelyon para patalsikin ang gobyerno ni pangulong Marcos at silang nakawin ang mga baril para gawin ito. Kaya kung ikaw ang nasa kalagayan ni Marcos, hahayaan mo bang gawin ng mga taong ito ang ganitong uri ng pagkilos? Isa pa yung tungkol sa plaza miranda, kung ikaw si Marcos – bobombahin mo ba ang mga tao dun para lalo kang pagbintangan? For me – it is not a common sense para gawin ito. Kahit ata mangmang na tao, hindi niya gagawin ito dahil alam niyang siya lang ang pagbubuntunan ng sisi.

At tungkol naman dun sa sinabi ni Corpus sa video na ginagawang front ng pamahalaan ang mga militar para proteksyunan ang mga mayayaman at kakaunting tao? Another ilogical reason kasi mas may kapangyarihan ang militar sa panahong yaon kaysa sa presidente at kung tutuusin nga parang kaya nilang patayin ang presidente kung gugustuhin nila, but I believe na hindi lahat ng mga sundalo sa gobyerno ay katulad ng pagiisip ng Corpus na ito (kung nagtagumpay sila noon, tiyak na mga komunista na tayo ngayon at nasa ilalim na ng China).

Kaya sa post na ito, may mga bagay akong inaalam sa bawat tao na nakaranas ng martial law at saka ko tinimbang ang bawat pangyayari at ikinumpara ang panahon ng martial law at sa panahon ngayon.

Sabi ng matatanda na napagtanungan ko, noong martial law wala ng kakalat kalat na minors sa lansangan kapag nagtatakip silim na pero sa panahon ngayon, ang mga kabataan na edad 9 o 8 pataas ay naglipana sa kalsada at nagrarambol o nagbabatuhan, pati ang pagnanakaw ng mga ito ay talamak na ngayon at hindi sila maaaring parusahan dahil sa menor de edad pa sila.

Noong martial law may death penalty at kakaunti ang kaso ng rape, sinasabi naman ng iba – naririnig ko pa nga sa kanta ni Freddie Aguilar (sorry if I forgot the title of the song) na yung mga nahahatulan daw noon ay mga inosente – well, this is ilogical if the case was caught in the act krime. Sa panahon ngayon, laganap ang ganitong krimen pero kadalasan ang hatol ay mababa lang kahit mas higit pa sa kamatayan ang dapat ihatol.

May napagtanungan akong matandang babae, at sinabi niya na noong martial law, kahit ginagabi siya sa trabaho ay hindi siya nag aalangan lumakad sa liblib pa nila noong lugar dahil takot ang tao na gumawa ng pangdadahas, pero ngayon daw, kahit sa telebisyon ay talamak ang pangbabastos sa mga kababaihan.

Ngayong panahon, ay masasabi kong malaya tayo sa demokrasyang pamahalaan pero bakit ganun? Kung kailan tayo lumaya eh lalo pa rin tayong naghihirap? Kaya isang malaking katanungan ang iiwan ko sa aking mga kapwa Pilipino, Papayag ba kayo na muling ideklara ang Martial law para controlin ang bansa o mananatili na lamang tayong demokrasya at malaya ang bawat tao na gawin ang gusto nila kahit ano pa ito.

Kung talagang concern ka po, ilagay lang ang inyong komento sa comment box sa ibaba. Igalang lang po natin ang bawat opinyon ng magcocoment.

God Bless.


Related Posts

Papayag Ba Kayo - Magdeklara Ng Martial Law Ang Susunod Na Presidente?
4/ 5
Oleh

Subscribe via email

If you want to receive the latest update of this blog, put your e-mail below.

1 (mga) komento:

Leave (mga) komento
avatar
April 30, 2016 at 11:13 PM

ayoko ng ML gaya noon. nakakatakot

Reply

We love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.