Wednesday, June 22, 2016

How to Upload and Embed Photo To Your Blogger Blog


This post was intentionally created for all the members of DVM (Duterte Volunteer Media) and continuation of blog creation.

Isa sa mga mahahalagang bagay na pwedeng ilagay sa blog natin ay mga image o mga picture. Ika nga nila a picture has a thousand words, kaya mahalaga talaga ang mga imahe kasi nakakadagdag ito sa pagpapaganda ng ating blog.

Ngayon po ay tatalakayin ko kung paano maglagay ng picture sa ating blog. May dalawang klase ng paglalagay ng picture sa blog at ito ay sa pamamagitan ng;

1. (Internal) Pag-upload o kaya naman ay
2. (External) Pag embed.

Ano yung pag-a-upload? Ito po ay ginagawa kapag may sarili kang image file sa iyong computer at ipapaskil mo sa blog mo. Kadalasan ito yung ginagawa natin sa Facebook kapag nag-a-update tayo ng profile pic o kaya naman ng status. Ganun din po s
a blog.

Ito yung paraan ng pag upload. Halimbawa nasa post editor na kayo at nagsusulat ng post, tingnan po ninyo yung mga icon na nasa itaas ng editor at subukan ninyo itutok ang inyong mouse o cursor sa mga icon at hanapin ang image icon. See the screen shot below.


Piliin ninyo yung i-upload, tapos click mo yung button sa ibaba na "Pumili ng mga file" para pumili ng image na gusto mo i-upload.


Then may mag pa pop-up uli na window para dun ka pipili ng image na gusto mong i-upload. Mga file lang na image ang tatanggapin tulad ng JPG File o PNG file, GIF file etc... Pag naka pili ka na, press open to upload the file.


Yun, pagkatapos nito magloloading habang ina-upload yung file at makikita mo yung pic na inapload mo pag complete na, press mo naman yung button sa ibaba para mailagay na ito sa blog post mo.


Now uploading is done. Pag klinik mo sa post edito mo yung uploaded pic, magha-highlight yun ng blue at may lalabas na mga option sa ibaba. Pwede mo iadjust kung maliit, katamtaman, malaki o original na size, pwede mo rin adjust kung sa left, right o center ang gusto mong pagkakalocate ng image mo.

Explore mo na lang po muna ang mga option na ito para mas lalo mo maunawaan kung paano ang kalalabasan ng blog mo kapag ginalaw mo ang bawat option. May Preview mode button sa bandang kanan para makita mo agad yung resulta ng custumizatio mo.




Embedding Images To Blogger Post

Let us go to option number 2 which is the Embed Option.
Embed ang tawag isang frame na kinuha mo sa ibang url file. Bale parang ganito, mag iimport ka ng image o video sa blog mo. Unlike sa pag a-upload, hindi mo kailangan ng sarili mong file kasi kukuha tayo from external source para ilagay sa ating blog.

Siguro yung iba natatandaan nila yung ginawa natin sa DVM Badge Making? Kinuha natin sa Facebook yung image o profile pic na gagamitin natin sa ating badge. Ganun din ang pag eembed ng image sa blog. See screen shot below.

Click nyo ulit yung image icon sa post editor para lumabas yung pag uupload, but this time we will use the option More or Higit Pa then choose "Mula sa isang URL".



Sa pagkakataong ito, kailangan natin ng image URL. Ok, paano kumuha ng URL sa external sites? Madali lang po, go to Google at hanapin niyo yung type ng image na gusto mo eembed.


Punta kayo sa Google.com tapos click ninyo yung image tab sa itaas para lahat ng isesearch mo ay puro image lang ang lalabas.



Make sure na View Image button yung pipindutin mo para sa mismong image url ito pumunta.


Ngayon naman kunin na natin yung image link o url. Pwede mong kunin sa url box yung. Kung mapapansin niyo po yung URL o Link ng image, nagtatapos sa ".png" meaning, image file po ito.


Pag na copy mo na, balik ka dun sa blog mo at ipaste mo yung url image na kinopya mo.


Pagka paste mo sa box, kusa itong magloload at makikita mo yung image na kinopya mo. Then press add this o magdagdag ng pinili.

Charaaan! Ayun, nakapost na. Pag klinik mo yung image, lalabas yung mga option tulad din ng pag-a-upload. Kayo na bahala mag experiment kung paano, at gaano kalaki yung image na gusto mong lumabas sa post mo.


Napaka basic lang po nito pero sana na-gets ng ating mga member na wala pang gaanong nalalaman sa pag blog. Sa susunod ko na lang ilalagay yung video nito pati na rin kung paano mag upload at mag embed ng video naman. Any questions, just comment below or email me, alam niyo na po kung paano ako makontak kasi nagpapadala ako sa buong DVM group ng email updates.

Kung hindi ka pa kasali at gusto mong maging member ng Duterte Volunteer Media, you can join by CLICKING HERE or read the post How to Join DVM group.

Have a blessed day.




Related Posts

How to Upload and Embed Photo To Your Blogger Blog
4/ 5
Oleh

Subscribe via email

If you want to receive the latest update of this blog, put your e-mail below.

We love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.