Thursday, August 25, 2016

Matrix Ni President Duterte, Basura Lang Ayon Kay De Lima


Isang daang porsyentong nakatitiyak umano si Senator Leila de Lima na siya ay inosente sa mga ibinibintang sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni De Lima na anomang imbestigasyon ang gawin sa kaniya, nakasisiguro siyang walang makukuha at mailalabas na totoong ebidensya dahil alam niyang hindi siya sangkot sa operasyon ng dorga.

Pinagtawan lang din at tinawag na basura ni De Lima ang inilabas na matrix ni Duterte na nagpapangalan sa kaniya at sa iba pang personalidad kasama sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan, Cong. Amado Espino at iba pa.

“Even a 12-year old can draw that matrix, anong klaseng matrix ito? It belongs to the garbage can, sa basura lang ito pwedeng ilagay,” ayon kay De Lima.

Makikita din aniya sa matrix na lahat ng arrow ay papalabas sa kaniyang pangalan, at lahat ay nakaturo kay Espino.

Tila pinalalabas pa aniya sa matrix na siya, bilang noon ay justice secretary ay direktang nagre-report kay Espino.


“Lahat ng arrow papunta kay Gov. Espino, pinapalabas ba nila nagrereport ako directly kay Gov Espino? Nakakatawa naman sila, nakakatawa ito, sobrang katawa-tawa ito, sa totoo lang nitong mga nakaraang ilang araw, sobra ang pagngingitngit ko, pero ngayon nung makita itong ko itong matrix, natatawa na lang ako at naaawa ako sa pangulo,” sinabi pa ni De Lima.

Sinabi ni De Lima na nagsasayang ng maraming oras si Duterte lalo pa at inaabot ng 2 hanggang 3 oras ang press briefing nito na ang tanging tinatalakay ay puro paninira sa senadora.

Apela ni De Lima sa pangulo, dahil nakatakda niyang ipagdiwang ang kaniyang ika-57 kaarawan, hayaan naman daw siyang maipagdiwang ito ng tahimik at sana ay nabigyan siya ng pagkakataon na gugulin sa makabuluhang bagay ang nalalabing panahon niya sa mundo.


Nakakapagod na kasi ayon kay De Lima at tila pag-aaksaya lang ng kaniyang panahon ang pagsagot sa mga walang kabulastugang bintang ng pangulo.

Kasabay nito, sinabi ni De Lima na ito na ang huling pagkakataon na magsasalita siya hinggil sa nasabing isyu.


Watch His Full Speech On Davao City Before Leaving His Office As Mayor

Related Posts

Matrix Ni President Duterte, Basura Lang Ayon Kay De Lima
4/ 5
Oleh

Subscribe via email

If you want to receive the latest update of this blog, put your e-mail below.

We love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.