Wednesday, August 24, 2016

Sino Ang Tao Na Mas Higit Ang Talino Sa 7 Henyo?



Naintriga ka siguro sa tanong na “ITO AY TAO NA MAS MATALINO PA SA PITONG (7) HENYO” kaya ka napadpad sa pahinang ito, tama? Ehehehe...

Ang sagot po ay “TAMAD”.

Bakit? Baka po iniisip ninyo na imbento ko lang ang sagot, pero matagal ng sagot ito, marahil iilan lang ang nakakaalam. Kung nagbabasa tayo ng Bible nakasulat ito sa Kawikaan 26:16,


Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.

Tama di ba? Kahit ilang matatalino ang magsabi sa tamad ng dapat gawin, hindi niya ito pakikinggan dahil mas marunong siya sa mga ito. Naniniwala ako na ang Bible ay isang makatotohanang libro kaya hindi maaaring sumala ang anomang impormasyon na kukunin mo sa kaniya.

Halimbawa na natin dyan yung mga tao na gustong kumita ng madali sa buhay at nagbebenta ng ilegal na bagay tulad ng droga o kaya naman ay sariling katawan. Oo nga naman, hindi na nila kailangan maghirap kasi napaka instant ng kitaan dito at madali lang bitbitin. Hindi tulad ng legal na negosyo, na kailangan mo talagang pagpawisan at paghirapan bago mo makuha.


Yung mga tamad mas gusto nila yung trabaho na magagaan at hindi sila nahihirapan, kahit ito ay masama, at nakakasama sa ibang tao, wala silang pakialam kaya kahit anong sabihin o payo ng mas marurunong sa kaniya ay hindi nya ito pakikinggan.

Ganyan ang nangyayari bansa natin ngayon, yung mga tamad at ayaw ng pagbabago at ayaw kumilos ay sila ang mga hadlang sa pag-unlad ng Pilipinas, na imbes na tumulong para mapadali ang pag-asenso natin eh sila pa yung unang kontra para ma-delay tayo sa pag-unlad.

Ngayon alam mo na kung sino yung tao na mas marunong pa sa mga henyo, at may kakilala kang ganito ang ugali, pwede mong i-share sa kaniya ang maliit na impormasyon na ito baka sakaling magbago siya.



Watch His Full Speech On Davao City Before Leaving His Office As Mayor


Related Posts

Sino Ang Tao Na Mas Higit Ang Talino Sa 7 Henyo?
4/ 5
Oleh

Subscribe via email

If you want to receive the latest update of this blog, put your e-mail below.

We love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.