Success! Welcome, Bilang isang bagong miyembro ng Duterte Volunteer Media, mahalaga na mag karoon ka ng isang blog.
Wait A Second Po! Kung wala kang ideya bakit ka napunta sa page na ito, please read this post first - How to Become A Duterte Volunteer Media. Kung nabasa mo naman yung post na yun, just ignore this alert po.
Salamat po sa iyong magandang hangarin upang makatulong sa pagpapalaganap ng totoong mga balita tungkol sa ating Presidente DU30. May (2) dalawang option para magkaroon ka ng online journal,
1. By registering to DU30Media official website CLICK HERE o kaya naman po ay,2. Gumawa ng sarili mong Blog. (Nasa ibaba ang tutorial.)
---------------------------------------------
Bago ka gumawa ng isang blog, dapat mo munang isipin kung ano ang bagay na nais mong isulat at bakit ka gagawa ng blog. Bawat Pilipino na gustong gumawa ng blog ay may iba’t ibang dahilan at isa na rito ang kumita ng pera. For my personal opinion, mali ang iniisip mo kapag ganito kaagad ang naging mindset mo. Kung umpisa pa lang eh pera at salary agad ang nasa isip mo, I will tell you this, hindi ka magtatagumpay sa pagba-blog, kasi wala pang 2 months or less hihinto ka na at mawawalan ng gana.
Ano ba ang dapat unang isipin kung gagawa ka ng blog?
Syempre, ano ba yung kinasisiyahan mong isulat at ibahagi sa mga kaibigan at kakilala mo? Yun ang mga bagay na dapat mo munang isipin bago ang pera. Kasi pag pera agad nasa isip mo, dun nag uumpisa yung corruption sa pagiisip mo, then hindi ka na makakagawa ng makabuluhang content kundi madidistract ang isip mo at pag hindi ka kumita, dito na magsisimula ang frustration hanggang sa huminto ka na lang.Maraming bagay ang pwede mong maging topic kapag gusto mong gumawa ng blog at isa na rito ang tungkol sa buhay mo at yung mga nasasaksihan mo sa pang araw araw mong pamumuhay. Kung ikaw naman ay mayroong propesyon at gusto mong ibahagi sa ating mga kababayan ang iyong nalalaman, mas maganda kung ito ang mga isusulat mo.
Pagkatapos mong makakuha ng ideya ng mga dapat mong isulat, let us proceed sa paggawa ng blog.
Watch This Video - Step by Step Guide On Creating A Blogger Blog
Ano ang mga kailangan?
Google Account – kung wala ka pa nito, punta ka sa gmail.com at gumawa ng sariling email address. Yun lang. Pagkatapos mo makagawa ng account, punta na tayo sa Blogger.com at i-sign up yung ating email. Awtomatikong icoconnect ng Blogger ang iyong email kapag mayroon ka ng account sa Google.
1. Pag katapos mo mag sign in sa iyong Blogger.com account, makikita mo ang iyong Dashboard. Hanapin mo yung box na "Bagong Blog" o "Create Blog" at i-click ito.

2. Pamagat O Title - Ikaw na po ang bahala kung anong gusto mong maging title ng iyong blog. Pwede mo naman itong palitan kahit nagawa mo na ang blog mo.

3. Blog URL o Link - ito yung ita-type mo sa url box o browser mo kung gusto mo itong makita. Example ng sa akin, http://dutertemedia.blogspot.com. Kung hindi na available ang address mo, hindi ka makapagpapatuloy sa paggawa dahil kailangan po unique o walang kaparis ang blog address mo.

4. Click Create Blog o Lumikha ng blog then dadalhin ka na sa iyong blog dashboard. Kung mapapansin mo, maraming nakasulat dun sa left side ng dashboard tulad ng Bagong Post, Buod, Mga Post, Mga Komento, Mga Istatistika, Mga Campaign, Layout, Template at Mga Setting.
Kung ipe-press mo yung "Tingnan ang blog" sa bandang itaas, makikita mo yung front page ng iyong blog. (see example below).

Yan po, may blog na tayo, pero wala pa nga lang laman. Ang susunod po na gagawin natin eh lagyan ito ng content o post. Kung hindi mo pa alam, basahin mo po yung susunod na post.
Kung may katanungan ka about blogging, pwede mo po ako contakin sa email - info@iampilipino.com
28 (mga) komento
Leave (mga) komentoMaraming salamat sa gumawa nitong DVM... na ito sana makatulong tayo sa ating bagong pangulo ng Pilipinas na hindi humihingi ng kapalit..
ReplyAko po si Imam Ishmael Denis Hong isa pong Imam dito sa Oriental Mindoro at kasalukuyang chairman/CEO ng Mindoro Islamic Research Center Inc. (MIRCI)...
naway magpatuloy ang nasimulang magandang pagbabago para sa bayan at sa mga susunod na henerasyon...
maraming salamat po... RAMADHAN MUBARAK....
thank you, thank you, thank you. god bless you more po, magandang buhay...
ReplyHello sir Ishmael, basta po tulong tulong lang. Walang imposible.
ReplyWalang anuman po Alberto Milan. God bless din sa iyo.
Replypaano po ba yong Duterte Volunteer Mediamen..?.. di ko po makikita sa New Blog Acc. ko po...
ReplySalamat DVM!
ReplyMay nagpapatanong sa FB group page kung ito ba ay nakarating na sa kaatastaasan na magkaroon ng ganitong sign-up to volunteer for pres. duterte sir?
Replythanks...
sir thank you so much s guideline,,ganito ang matagal ko ng hinhanap,,actually nakagawa n ako ng blog,, sinundan ko ung guidelines ninyo,,thank you so much..
ReplyHi bluehype,
ReplyNo need for permission po. At first, this is a volunteer individual. Isa pa, wala po itong bayad.
Kung sa Facebook platform lang tayo magpo-focus, hindi tayo maririnig ng mas malawak na audience. Kung ayaw naman po nila sumali, pwede naman po silang mag isa pero alam natin na kung mag isa lang tayo, hindi rin tayo maririnig.
Kailangan natin magsama sama at kaya po kinukuha namin ang mga contact details para mas madali tayong magkakontakan.
Thanks po.
Hi Baste, Nakakatuwa pong malaman yan. Salamat din po.
ReplyTiningnan ko yung blog na ginawa mo, medyo napasobra po yung copy mo. Nagcomment ako dun sa blog mo.
Hi Rapzie, pwede bang makita yung blog mo? Ano po yung link?
ReplyNaka gawa ka na po ba ng blog o journal mo sir Erwin? Comment ka po dito pag may blog ka na para makita at mabasa ko. Salamat.
ReplyThank you po sir sa pagturo samin na magkaroon ng blog site..sana sa ganitong paraan makatulong kami sa ating bagong halal na Presidente..dahil katulad po ng sinasabi nyo parang ang hirap ng pagkatiwalaan ang mga journalist natin ngayon..
ReplyAko nga po pala si Ahmad Salahuddin isang Security Officer.. Maraming Salamat po ulit
Natutuwa po akong marinig yan sir. Pag nakagawa ka na po ng journal, paki share mo sa kin para mabisita ko sir. Salute!
ReplyGod Bless our country.
ReplyHi sir. Kakatapos ko lang po sundin ang inyong instructions, datapwa't hindi ko maishare sa inyo dahil sa di malaman na dahilan. Pero eto po ang link ng aming blog: http://allfishonthetable.blogspot.com/
Replyhello sir.... ako po ay isang ordinary concern citizen sa aming barangay.... natutuwa at karangalan ko po na nakasali dito sa DVM... sa totoo lang hindi ako magsasawang maghatid ng balita sa inyo...dito sa lugar namin... salamat po!....gumagalang, thess
ReplyNabisita ko na yung blog mo sir, nagcomment na rin po ako dun. Basta po alam mo yung link, pwede mo na siya mai-share.
ReplyHave a nice day po.
Im very glad to hear that maam. Sige po, let us spread good news.
ReplyNakagawa ka na po ba ng blog mo maam Letecia?
Destiny has a way of playing with a person’s fate. Now we have the People's Choice President His Excellency Rody Duterte. Let us come together as one for the Change is coming.
ReplyGood am Sir. Ask ko lang po kung registered na po ang aking blog bilang duterte media volunteer? Salamat po. The link is beemyhoney.blogspot.com
ReplyBlessful Thursday..Medyo natagalan ako na sundan ang mga guidelines...pero nakuha rin after many tries..Paki-check po sa http://mangsenior.blogspot.com ... marami pa ata syang kulang?
ReplyMaraming salamat po sa pag-basa mo nito.
already registered na po yan maam, gamit ka na lang ng iba or pwede mo rin lagyan ng number sa dulo. Example, beemyhoney12.blogspot.com
Replyhi what if may existent na pala na blog matagal na pero now lang nabalikan?
ReplyMas maganda po yun sir. Itutuloy na lang po ninyo. Ano po ba blog address mo, sir?
Replybakit hindi na me mabuksan yung blog ko?
Replysolid du30
Replygumawa na po ako ng aking blog today at meron na rin akong isang post doon. ito po ang bloglink: http://presdutertepenwarrior.blogspot.com/. kung meron kayong oras po sir, paki visit naman po and check it out kung tama po ba ang pagkagawa ko at kung ito ay naka registered na bilang isa sa Duterte's media volunter. salamat.
ReplyWe love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.