DVM Staff

Good day po sa inyo mga ka DVM!
Gusto ko po ibahagi sa lahat ng grupo ang tungkol sa isang usapin sa pagitan ko at ng isang member, bale nag aalok po siya ng tulong para maging authority ang organization natin. Gusto niyang dalhin ang DVM sa PCOO o Presidential Communication Operation Office kapag nakaupo na si President Duterte. Ito po ang naging conversation namin through email.

Rhio:
Hi Zhenty:
Magandang umaga sa iyo. I appreciate all the efforts to support our new president. I am a practicing journalist based in Beijing. I would like to know more about DVM. Could you provide some more info?
------------------
Rhio M. Zablan, MC
Foreign Staff
Filipino Service/China Radio International
16-A Shijingshan Road, Beijing 100040 China

Zhenty (This is me):
Hi Rhio,
DVM is a very new media group composed of volunteer Filipino. Kumakalap kami ng mga totoong balita about Pres Digong and share it throughout the members para madaling kumalat.
We are not professional media, but we categorize our group as social media bloggers.

Rhio: 
Salamat sa dagliang pagsagot. Sinusuportahan ko ang inisyatibong ito, at gusto kong tumulong dito. Pero, mayroon pa akong ilang tanong. Mayroon ba tayong base of operation? Sinu-sino ang nag-umpisa nito? Paano tayo kumakalap ng balita? May I suggest, na magkaroon tayo ng formal representation sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) para magkaroon tayo ng legitimacy at hindi tayo matahin ng mga corrupt na traditional media organizations.

Nagtrabaho ako dati sa PCOO, baka makatulong ako sa usaping ito.

Sya nga pala, sinu-sino ang nag-organize ng DVM? Mayroon ba tayong base of operation? Paano tayo kumukuha ng balita? Paano natin isasapubliko ang mga balita? Sino ang magsisilbing gate keeper ng mga balitang nakakalap natin?

Pasensya ka na ha? Marami akong tanong, bilang isang mamamahayag, gusto ko lang siguruhin ang accuracy ng mga balita at legitimacy ng news organization na sinasalihan ko. Gusto ko ring alamin kung paano ito nagsasaoperasyon.




Matagal ang karanasan ko sa media at kung maililiwanag mo sa akin ang mga kasagutan sa tanong ko, sa tingin ko, marami akong maitutulong sa pagpapalaganap ng katotohanan para suportahan si Presidente Duterte.

Sya nga pala, uuwi ako sa Pilipinas sa darating na Agosto. Kung gusto mo, magkita tayo para mas ma-i-plano ang mga hakbangin ng DVM.


Zhenty:
Salamat sa mga idea sir. Nauunawaan ko po ang gusto mong mangyari dahil ikaw po ay isa ng professional journalist. But DVM was just created accidentally and my main purpose of this group was to establish a huge Social Media Blogger Networks, parang isang malaking grupo ng mga bloggers na ang focus ay pagsusulat ng mga nababalitaan nila kay Pres Duterte.

And the first step on doing this was to taught them how to create a blog then linked with each other and so on. Msasabi ko, na nasa learning process pa ang grupo kaya wala pang eksaktong plan o staff para dito.

Pero nagpapasalamat ako sa Dios kasi may mga tao talagang di corrupt at handang tumulong ng bukal sa puso tulad mo na lumalapit at nagsishare ng karanasan about Media or Journalism.

We are focused on online world rather than offline, tulad po ng sinasabi ninyo sir na kailangan ng authority coming from the administration or directly from the President, kaya lang po, kung ganito ang mangyayari, kailangan natin ng mas sanay sa field at masasabi ko po na ngayong panahong ito, eh wala pa po tayong member na ganun maliban po sa iyo sir na propesyonal na.

Nauunawaan ko po ng husto ang suggestion at tanong mo sir, pero ang masasabi ko, right now, hindi pa ganun kahanda ang grupo, but in Gods grace,, malay natin dumating din yun in the future.
Yan po ang sagot ko sa ngayon. Open po ang grupo sa anumang suggestion mo sir sa ikauunlad ng samahang ito.

Rhio:
Handa akong mag-share ng kaalaman para mapabuti ang DVM. Handa ko ring ilapit ito sa Malacanang pag nakaupo na si Pres. Duterte. Pero, kailangan munang malaman ko kung sinu-sino ang mga nag-organisa ng DVM. Huwag kang mag-alala, hindi ako espiya. Inaalam ko lang kung ano ang pinapasukan ko at sino ang mga kasama ko. Mas maganda rin kung magkita tayo in person para maipaliwanag ko sa iyo ang mga kailangan mong malaman sa pagtatayo ng isang social media network.

Zhenty:
Nakakatuwa po at may mga taong katulad ninyo sir. Sabi ko nga po knina, wala pa po tayong opisyal sa group, bale ako pa lang nag organize at nagtitipon ng mga supporters. I'm just an ordinary person na gusto makaambag sa pagbabago kahit sa maliit na paraan lang.

Rhio:
Well, maganda ang hangarin mo at gusto kong tumulong, pero, kailangan nating gawin ito sa tamang paraan para walang maging problema sa hinaharap at mapalaki natin ang grupo. Ang unang hakbang ay ganap na pagkilala sa mga miyembro.

Umpisahan ko na: ang pangalan ko ay Rhio M. Zablan, 39 years old, broadcast journalist para sa China Radio International, may asawa, may anak na babae, at nakatira sa Beijing, China.
Ikaw naman:)
Sya nga pala, pag-uwi ko sa Pinas sa August, mas magandang magkita tayo para mai-share ko sa yo ang ilang importanteng bagay sa pagma manage ng isang social media network.

Zhenty:
I will try to contact all the members para malaman ko kung sino gustong maging officers. Siguro, Di ka po tututol if gawin kitang co-founder nitong group. OK lang po ba sa iyo yun?

Rhio:
Walang problema:)

Zhenty:
May I ask sir Rhio, what are the staff we need and ano unang step para makakuha ng authorization from PCOO.




Rhio:
The staff that we need are those who are willing and have the passion for journalism. Those with experience and graduates of journalism have an advantage. When it comes to PCOO, we should write a formal letter requesting PCOO to support us, be our partner, or recognize us as a legitimate social media organization that promotes unbiased and objective reporting. We should explicitly mention that we are doing this to let our people the truth without prejudice like what the giant media are doing.

Based on our conversation, ang gusto mangyari ni Mr.Zablan, ay tulungan ang grupo na makilala ni President Duterte bilang legit and authorized Duterte media. In my own opinyon, kahit walang basbas, pwede pa rin nating ituloy ang pagiging social blogger pero dahil mayroon tayong isang butihing tao na gustong tumulong, then wala namang mawawala kung susuportahan natin ang pagtulong niya.
hr

So, I guess kaya ko ginawa ang blog post na ito to look for those who are willing to take the next level of journalism. Like what Mr. Zablan said, ikukuha niya tayo ng authorization from Malacanang to operate and legalize this media group at bago niya magawa ito, we will need of staff or officer na ipepresenta na mayroon talaga tayong organization. Kaya nasa ibaba yung form, ng mga gustong maging staff, ang mga information na nakalagay dyan na inyong isasubmit ang magiging ating identification sa isasabmit na organization chart.








Yung mga information pong ito eh ipapasa ko kay sir Rhio para sa susunod nating gagawin at para makontak niya kayo sakaling umuwi siya dito sa Pinas. Yan lang muna ulit sa ngayon, wait ninyo na lang po ang next email ko para sa mga update.

Kung may tanong kayo, just use the comment below po.

14 (mga) komento

Leave (mga) komento
avatar
June 20, 2016 at 7:58 AM

Maraming salamat po sa pagtanggap mo sa akin bilang membro ng DVM.... may itatanong lang po...puede po ba ibalita dito kung mayrong mangyayaring raid or mapatay dito sa lugar namin with pictures?...kasi may camera ako na puede gamitin sa mga pangyayari dito na actual. Ako po ay isang purok coordinator sa lugar namin at palagi ako sa labas nagmamasid...at may panahon din na gagamitin ako ng aming brgy.kapitan magkunan ng pictures kung may special occassion dito sa lugar namin(as an official photographer)...ang camera ko po ay nikon na puede ako magkunan ng malayo...hindi ako professional photograper pero may kakayanan akong magkunan ng pictures kahit saan.... gusto ko sumama sa kausa ninyo kasi ito ang gusto ko na maging tagapagbalita....since i was a child... wow!...sana mapagbigyan niyo ako... wala akong intention na kumita...ang gusto ko magiging involve sa publiko lalo na sa ating mahal na Pangulong Tatay Digong...mahal ko po siya eh!...salamat po!

Reply
avatar
Anonymous
June 20, 2016 at 8:19 AM

i totally support this initiative, but unfortunately, i am not a journalism material. Good luck! - Baron

Reply
avatar
June 21, 2016 at 5:43 PM

Those with experience and graduates of journalism have an advantage...as per Mr.Zablan. Ako po ay hindi naging journalist at hindi rin journalism graduate...pero mahilig magsulat at mag-kuwento, vocational po ang natapos, at retired OFW...salamat nga po't naturuan mo ako sa paggawa ng blog. Nais ko lang pong malinawan kung ano ang magiging papel naming mga volunteers na nag submit ng application form at hindi naman mapipiling DVM Staff? Considered na member pa rin po ba, o maiiwanan kaming nakabitin at bahala na sa sarili namin? Waiting for your answer..before I submit my application. Thanks for your time.

Reply
avatar
June 23, 2016 at 8:58 AM

Hi mangsenior,
Yung magiging papel ng mga staff ay si Mr.Zablan pa lang po ang nakakaalam dahil siya ang may karanasan diyan. Kaya po may form tayo para sa gustong maging staff kasi ipapasa ko pa lahat sa kaniya ang inyong resume at siya na ang bahalang kumontak sa mga ito.
Tungkol naman sa mga hindi staff, we are still members of this group at wala pong magbabago dun, kahit baguhan o professional, nandito po tayo para matuto at magtulungan para kay Pres Digong.

Reply
avatar
June 23, 2016 at 9:00 AM

Salamat po sa pag suporta sir Baron! God bless us all.

Reply
avatar
June 23, 2016 at 9:03 AM

Syempre po maam Leticia, pwedeng pwede po. Email mo lang sa amin yung report mo.

Reply
avatar
June 23, 2016 at 6:24 PM

gusto ko lang maging ordinaryong member sa grup na ito besides not being a professional, medyo busy din ako sa group namin dito sa bohoL ang BOHOL ADVOCATES FOR CHANGE which was recently formed to support Pres Duterte

Reply
avatar
June 25, 2016 at 8:51 AM

Maraming salamat sa inyo pong pag-lilinaw sa aking mga tanong. Sinubukan ko na ring magsulat(blog) na kahit na mukhang amateur ang dating, ay tinuloy ko pa rin para mahasa na habang nag hihintay ng "GO!" mula sa inyo. At maraming salamat sa mga tutorials mo sa aming nursery level pa sa journalism..hehe.

Reply
avatar
June 27, 2016 at 6:18 AM

Am now a retired Senior from both BPO and Broadcast Media Industries. 35 years in Radio/TV broadcast and 5 years in BPO. (I thought this might help in assessing my volunteerism)

Reply
avatar
June 29, 2016 at 5:52 AM

thank you admin, and more power!!god bless us!

Reply
avatar
July 1, 2016 at 12:48 AM

Your assessment will surely be a very very big help sir! Salamat po.

Reply
avatar
July 3, 2016 at 2:04 PM

thank you at nakasama ako as part ng advocacy mo gusto me sana mag apply as staff but i am not a graduate of journalism kasi entrepreneurial ako, pero nasa puso ko ang mag pahayag ng opinion na makaka tulong sa bawat sitwasyon

Reply
avatar
July 5, 2016 at 5:26 AM

I cant find the application form, I am willing tobe a member . Kindly assist me please. Thanks

Albert

Reply
avatar
July 5, 2016 at 7:40 AM

Hello sir Prince!
Ano po ba gamit mo? Mobile o Desktop?
Kasi sa Desktop version, nasa post lang po yung Application form, pinaka dulo.

Reply

We love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.