Thursday, February 11, 2016

Dapat Bang Isabatas Ang Papalo Sa Mga Bata?




Ang mga kabataan ngayon, masyado ng umaabuso. Dati, hindi naman ganito ang mga kabataan. Kwento ng lolo ko, may paggalang sa mga nakakatanda ang mga kabataan noon at takot silang lumabag sa utos dahil alam nila na may naghihintay na kaparusahan.

Subali’t sa paglipas ng mga taon, lubhang lumalala ang sitwasyon sa mga kabataan. Maraming kabataan ngayon ang lapastangan at walang galang sa kanilang mga magulang at hindi marurunong gumalang sa mga nakatatanda sa kanila. Isa na rin dito ang mga nakaka alarmang mga pangyayari na mga bata pa eh marunong ng pumatay at magnakaw dahil sa bisyo tulad ng droga, kaya pag laki nila sakit sila sa lipunan.

Ang mga magulang ngayon, hindi na sila maaaring mamalo ng kanilang mga anak dahil tiyak na idedemanda sila sa DSWD ng pangaabuso sa kabataan. Ganun din ang mga guro na tumatayong ikalawang magulang ng mga bata eh hindi rin nila ginagalang at hindi rin nila maaaring paluin ang mga batang ito dahil baka isumbong sila sa Human Rights ng pang aabuso, kaya ang mga kabataan ngayon ay namimihasa sa paggawa ng mga lapastangang bagay, lalo na't wala namang death penalty sa ating bansa.

Kaya ang napa kalaking katanungan sa ating mga Pilipino ngayon, kung dapat pa o papayag ba kayo na isabatas ang tungkol sa child punishment o mahigpit na pagdisiplina sa ating mga anak or kabataan?

Please vote below kung ano ang iyong saloobin tungkol dito. Your opinion is very important.



DAPAT BANG ISABATAS ANG PAGPALO SA MGA BATA?

OO
HINDI
EWAN
personality


Related Posts

Dapat Bang Isabatas Ang Papalo Sa Mga Bata?
4/ 5
Oleh

Subscribe via email

If you want to receive the latest update of this blog, put your e-mail below.

We love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.