Tuesday, February 16, 2016

Diary Ng Nabully - Last Part 1



Kung hindi mo pa po nabasa ang Part 1 ng sulat na ito, basahin mo po muna ito sa Diary ng Nabully.

Ang istorya pong ito ay continuation ng Diary ng Nabullly. The story begin after 23 years of his journey. Kung mababasa ninyo yung part 1 nito, talagang nakakaawa siya.
At this point, ganun pa rin kaya ang mangyayari sa kaniya? Well, mas maganda kung kayo na po mismo ang magbasa. Please support our Facebok Fanpage or like this page para po mas marami pa ang makabasa. Sana po ay mas marami kayong mapulot na aral sa kwentong ito.
Also, please leave a comment after reading at kung anong reaksyon niyo sa last part ng kwentong ito.


Dear Diary,

Hindi ko akalain na makakasulat pa ako sa iyo at makikita kita sa lumang bag ni nanay.
Akala ko ay kasama kang nasunog nung magkaroon ng malaking sunog sa lugar natin at nasunog pati ang lumang bahay.

Imagine, it's been 23 years nung huli kitang masulatan.
Alam mo, hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha ko sa mata habang binabasa ko ang mga isinulat ko sa iyo noon.

Pasensya ka na ha, kung pati ang mga pahina mo ay natuluan ng mga luha ko, hanggang ngayon kasi lumuluha pa rin ako habang
nagsusulat sa iyo.

Kumusta ka na diary?

Kung ako ang tatanungin mo, isa lang ang masasabi ko... laging mabuti ang Dios.




Nabasa ko yung huling sulat ko sayo, at masasabi kong iyon na yata ang pinakamasama...
at pinakamabuti rin namang bagay na nangyari sa buhay ko.

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, isang araw na habang buhay kong maaalala.

Naalala ko bigla si bulls**t. Nung araw na iyon, alam mo ba... hindi na ako pumasok sa eskwelahan dahil sa takot ko sa kaniya.
Natuto akong mag-cutting classes at tumambay dun sa computer shop ni kuya Pete. Dun ko naibuhos ang oras ko kesa sa pag-aaral.

Mas mabuti ng nasa computer shop ako kesa dun sa school na binubully naman ako. Parang dun ako nakaramdam ng saya sa tuwing pupunta ako ng computer shop at maglalaro ng mga games.
Simula noon, nalulong ako sa pag lalaro ng mga games online at iba pang bagay sa internet. Bago pa lang internet nun, kaya medyo mahal pa ang renta, kaya natuto akong mangupit at magsinungaling kay nanay.

Maraming araw ang lumipas, pero hindi ko napapansin ang oras at hindi na rin kita nun nasulatan dahil sa pagka-addict
ko sa computer.

Pero sadyang may katapusan ata talaga ang mga ganoong kaligayahan, dahil isang araw habang naglalaro ako ng computer eh nakita ako ng mga kaklase ko kasama ni bull***t. Nagulat ako kasi biglang may bumatok sa ulo ko kaya napalingon ako.

Sabi ni bull***t, "nandito ka lang pala ha, lagot ka kay ma'am, isusumbong kita!" nakangisi pa nitong sabi sa akin.

Natakot ako nung marinig ko yun at parang natauhan ako sa mga ginawa ko. Hindi ako nakapagsalita.

Umalis ang mga kaklase pati si bull***t at balisa ako nung mga oras na yun, paano kung makarating ito kay nanay?

Tiyak na malalagot ako at pagagalitan. Minsan ko pa lang nakita si nanay ng sobrang galit nung mapagalitan niya ang pinsan ko.

Pero natakot ako nun kasi halos mapilay ata sa palo si pinsan.

Kinabukasan lang, dumating na agad yung kinakatakot ko... Nalaman ni nanay na hindi na ako pumapasok sa school ng mahigit isang buwan dahil pumunta dun ang teacher ko at sinabi ang isinumbong sa kanya ni bull***t. Alam mo ba ang masama pa nito, dinagdagan niya yung sumbong na nakikipag sugal ako sa mga kalaro ko sa computer shop.




...Katakot takot na palo ang natanggap ko kay nanay at masyadong sumama ang kaniyang loob dahil sa ginawa ko.
Ang masakit pa nito, hindi lang ako drop-out sa klase namin kundi in-expelled pa ko sa eskwelahang yun.

Sa murang edad, parang gusto ko ng magpakamatay dahil sa nangyari. Pag naalala ko yung pagpapakamatay na yun, natatawa na lang ako ngayon sa sarili ko kasi napaka immature pala ng ganoong mentalidad and to the fact na bata pa lang ako eh nakakaisip na ako ng ganun.

What a shame.

Wala na ata akong mukhang maihaharap sa mga kaklase ko kasi umiiwas ako kapag may makakasalubong akong kaklase ko sa daan.

Lalo pa akong nalululong sa pagko-computer at naging sakit ng ulo ni nanay.

Isang araw, dumating ang araw na hindi ko inaasahan o hindi man lamang pumasok sa aking isip. Nagkaroon ng malaking sunog sa aming lugar, halos natupok ang lahat ng mga gamit sa aming bahay at nakita ko kung paano nanglumo ng husto si nanay dahil sa nangyari. Namulat ako sa katotohanan na hindi talagang madali ang mabuhay. Palagi na lang ata akong nabu-bully, yun ang pakiramdam ko ng mga oras na wala kaming matuluyan.

Naging palaboy ako at kung saan nakarating para lang kumita ng pera at simula din nun, bihira na akong makapaglaro ng computer. Ganun din si nanay, naging abala kaya hindi na kami madalas magkita dahil nais niyang mabawi ang mga nawala sa amin. Umalis na rin kami sa lugar na iyon at bumalik sa aming probinsya. Dala ang kaunting gamit na natira sa amin.

Siguro iyon ang araw na masasabi kong, nagpabago ng malaki sa buhay ko diary. Habang nasa matinding paghihirap ang aming kalagayan, dumating ang isang nilalang na lubos na bumago sa aking pagkatao. Nangyari iyon habang nagpapahinga ako sa ilalim ng bangketa at katatapos ko lang nun magbenta ng diaryo.




May isang matanda na tumabi sa akin at nakisilong sa ilalim ng puno ng bangketa. Maputing maputi na ang kaniyang buhok at masasabi kong nasa pitongpu hanggang walong pung taon na ang kaniyang gulang. Ngayon ko lang siya nakita sa lugar na iyon at hindi ko rin masasabi kung bago nga siya o marahil ako ang hindi nakakakita sa kaniya.

Kumakain ako ng nabili kong tinapay na merienda noong oras na iyon, kaya naisip kong bigyan ng tinapay ang matanda. Sabi niya sa akin, bakit mo ako binibigyan – humihingi ba ako sa iyo?. Napaisip ako sa sinabi ni tatang... nagmamagandang loob lang naman ang pakay ko kaya ko siya bibigyan ng tinapay. Hindi niya kinuha yung tinapay na binibigay ko kasi sabi niya, mayroon ako niyan at hindi napapanis.

CONTINUE READING...

Related Posts

Diary Ng Nabully - Last Part 1
4/ 5
Oleh

Subscribe via email

If you want to receive the latest update of this blog, put your e-mail below.

We love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.