Paano nga ba nangyari na ang isang lalaking ito na walang email ay nagtamasa ng isang malaking kayamanan at naging isang bilyonario?
Alam naman natin na sa panahong ito ay halos lahat na yata ng tao sa mundo ay may roong tinatawag na email address, na kung saan ay pwede tayong makontak ng mga tao o kumpanya na gusto tayong kausapin.
Sa kwentong ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang lalaking yumaman, ng dahil sa siya... ay walang email address.
At kung bago ka sa aking channel, ay inaanyayahan po kita na mag subscribe at paki hit na rin ang notification bell para sa mga susunod pang kwento.
Itago na lang natin sa pangalang Robert ang lalaking ito, at nung siya ay 17 years old pa lamang ay nagpasya si Robert na mag hanap ng trabaho sa siyudad dahil sa kakulangan nila sa salapi kung kayat pag katapos niyang maka graduate ng high school ay hindi na ito nag dalawang isip pa na mag apply sa mga kumpanyang nag hahanap ng mga empleyado.
Dahil nga sa hindi tapos ng kolehiyo si Robert ay nahirapan siyang kumuha ng mga trabaho na naghahanap lamang ng mabababa ang educational background. Kung saan saan na rin siya nag tanong ng mga kumpanya na pwedeng tumanggap sa kaniyang natapos na pinag aralan.
Sa isang malaking fast food chain ay mayroong bakanteng mapapasukan si Robert bilang isang janitor kaya agad siya ditong nag apply at nung araw din na iyon ay ininterview siya.
Sa katapusan ng interview ay hiningian si Robert ng email address dahil ito ay required sa bawat emplayado na nag aapply. Sinabi ni Robert na wala siyang email.
Nung mga panahong yon ay hindi ganoon karami ang gumagamit ng computer kung kaya iilan lang ang mayroong email o nakakagawa nito.
Sa kasamaang palad ay hindi natanggap si Robert at pakiramdam niya ay wala na siyang pag asa at habang nasa daan siya at nag lalakad ay kinapa niya ang kanyang bulsa at napag tanto niya na mahigit isang daang piso na lamang ang natitirang pera nya at halos lahat ng kanyang pera ay nagastos niya sa kaniyang mga lakad.
Saglit na naupo sa isang bangketa si Robert at habang nagpapahinga ay nakita niya ang isang matandang babae na nakapwesto rito malapit sa kaniyang kinauupuan.
May mga binebenta itong kamatis na naka lagay sa mga kahon at iniaalok ang kaniyang paninda sa mga nag daraan sa bangketang iyon. Napatingin sa kaniya ang matandang babae at inalok si Robert na bumili ng kamatis.
“Sige na iho, 150 ang bawat halaga ng kahong ito pero dahil isang daan na lamang yang pera mo ay ibibigay ko na sa iyo”
Hindi alam ni Robert kung bakit binili niya ang isang kahon na kamatis, siguro dahil sa naawa na rin siya sa matandang babae kaya napilitan siyang bumili ng produkto nito.
“Napaka rami nito?” sa isip isip ni Robert “Mabubulok lang ang mga ito kung kakainin lang naming pamilya.
Sa kaniyang paglalakad pabalik ng bahay ay naisipan nyang ibenta ang iba sa mga kamatis at hindi nya namamalayang naubos kaagad ang mga ito at mahigit dalawang daang piso ang kaniyang nailako.
Nagmadali siyang bumalik sa pwesto ng matanda para bumili ulit ng dalawang kahon na kamatis at bago matapos ang hapunan ay napaubos niya ang dalawang kahon ng kamatis at ang kabuuang benta niya ay umabot sa limang daang piso.
Simula noon ay ito na ang naging trabaho ni Robert araw araw hanggang dumating sa punto na lumago ang kaniyang negosyo at nakabili unti unti ng mga kagamitan sa pag papalawak pa ng kaniyang negosyo. Mula sa isang maliit na kamatisan ay nag karoon ng iba’t ibang produkto si Robert at bumili ng mga pwesto sa ibat ibang panig ng syudad.
Pagkalipas ng halos dalawang pung taon ay lumago ng husto ang negosyo ni Robert at nag karoon na rin siya ng mga kumpanya sa iba’t ibang bansa.
Isang araw, naisipan ni Robert na kumuha ng insurance para sa kaniya at habang iniinterview siya ng manager ay sinabi nito na,
“Sir Robert, hihingin po sana namin ang iyong email address para dun ipadala ang details ng contrata.”
Ngunit sinabi ni Robert na wala siyang email address, simula pa noon hanggang ngayon.
Laking gulat ng manager sa sinabi ni Robert kaya nasambit nito na,
Talaga po ba sir Robert? Yumaman kayo at naging bilyonaryo kahit wala kayong email address? Paano pa kaya kung may email address pa kayo?
Napangiti lamang si Robert sa manager at sinabing,
Kung may email address ako, baka sakaling janitor pa rin ako ng isang malaking fast food chain ngayon.
Dito lalong namangha ang manager kay Robert.
We love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.