Tuesday, May 17, 2016

How To Speed Up Philippine Internet Connection?


kaya bang solusyunan ng Pamahalaan ang mabagal na Internet connection?

Pasensya na po kayo kung parang medyo mali yung title ng post, pero yan po ang naisip ko kasi ito yung tanong ng bawat Pilipino, kung papaano mapapabilis ang ating Internet connection dito sa Pilipinas. Dapat talagang pagtuunan ito ng pansin lalo na ng ating mga kababayan na nakaupo sa ating pamahalaan. Kaya po ginawa ko ang Poll na ito para malaman kung sa paanong paraan ( o kaya nga ba itong solusyunan ng susunod na gobyerno?) maaaring bumilis ang Internet natin, kasi parang dalawa lang ata ang ISP natin dito sa bansa, ang Globe Telecom at Smart Communication. Ang Sun Cellular, Touch Mobile at Talk-in-text eh pag aari din ng dalawang ito. At the end of this post, ay may Poll po tayo but before that, I just want to inform you guys this topic bago kayo mag vote para maunawaan po ninyo kung bakit.

Pero po bago ang lahat, I want to say thank you po pala to all who participated doon sa naging viral na post tungkol sa topic na kung papayag ba kayong tanggalin ni President Duterte ang Congress na umabot sa mahigit 33 thousand plus unique page views sa loob lang ng isang araw. Sa Facebook halos umabot ito ng 200 thousand reach at 50 thousand engagements. Salamat po sa inyo, sana paki Like na rin ang page na iAmPilipinoDotCom sa Facebook para mas lalo po tayong maging close. Hehe.

Back in the topic po. Internet connection! Hay naku, pag ito ang pinag-uusapan nakakairita di po ba? Sa Pilipinas kasi napakabagal ng ating Internet, kung gaano ang pagong ay ganun din ito kabagal at eto ang pinakamasama, sa sobrang bagal ng ating Internet; tayo ang may pinaka mahal na Internet connection sa buong Asya.
Panoorin po ninyo itong balita ng GMA tungkol dito,


Dinadahilan dito ng mga Internet Service Providers ang mura nilang singil na 1 thousand pesos per 1mbps a month kaya hindi nila kayang magdagdag ng server o pataasin yung data (means budget).
Bago ako maniwala kung totoo ngang mura yung singil nila na isang libong piso per 1mbps eh nag compare ako sa ibang bansa kung mura nga ito.

Hindi naman komplikado kung paano natin maikukumpara ang bayad natin sa ibang bansa dahil sa stock market eh may currency conversion naman tayo at para bigyan ko kayo ng vision sa pagkukumpara, humiram ako ng infographics sa HOWTOGEEK.COM ( ito po yung link -http://www.howtogeek.com/92633/compare-your-internet-cost-and-speed-to-global-averages-infographic/) isa po ito sa mga authority source kung nais mong malaman ang mga trending sa virtual world.


Kung makikita po ninyo ang image sa itaas, may mababasa kayong "Price Per Month for 1mbps". May nakalagay diyan na <$1 up to $20+ at may kulay yan bawa't price. Yung $1 eh parang light color hanggang maging red sa dulo which is 20+. Kung mapapansin po ninyo, syempre wala ang Pilipinas dyan kasi hindi tayo uubra pag dating sa pagiging mura ng Internet.

Ok, pansinin po ninyo yung pinakamataas dyan ay nagkakahalaga ng 20 dollars per 1mbps katumbas po yun ng 900 pesos kung 45 pesos ang palitan ng kada isang dolyar, yan po halos ang halaga ng ating Internet connection dito sa Pilipinas.

Now, let us see yung number two color, example dito ang USA, Netherlands at Norway na nasa bracket ng $1-$5 a month per 1mbps. Kung ikaw po ay nakatira sa Amerika ay magbabayad ka ng $3 up to $4 per 4.8mbps per month. See? ibig sabihin po, kung ikokonvert natin ito sa peso, gagastos tayo ng mahigit 180 ($4x45peso) pesos per month na may bilis na 4.8mbps. Kaya kung international basis ang pagbabatayan, masasabi ba nating mura ang singil ng mga Internet provider natin?

Well, mga kababayan, I will let you choose kung tama ang justification ko so I am asking your personal opinion about this matter. Importante po ito kasi halos lahat ng bagay ngayon ay ginagamitan na ng Internet at ito ang connection natin sa mga taong nakapaligid sa atin maging sa malalayong lugar gaya ng mga OFW. Kaya don't ignore this poll, join and let your vote be heard.


Related Posts

How To Speed Up Philippine Internet Connection?
4/ 5
Oleh

Subscribe via email

If you want to receive the latest update of this blog, put your e-mail below.

We love engagement but please... be responsible when leaving a comment. We have the right to remove if your comment wasn't appropriate and contains spam content.